DPWH magsasagawa ng weekend road repairs at reblocking sa ilang lansangan sa Metro Manila, kasama na ang EDSA

Sa kabila ng banta na patuloy na makakaranas ng masamang panahon ang Metro Manila, magsasagawa pa rin ng road repairs and reblocking ang DPWH sa ilang lansangan ngayon weekend.

Simula alas-11 ng gabi mamaya ay isasara ang :

EDSA SB tapat ng Sojen at tapat ng Chevrolet (5th lane from sidewalk)

EDSA SB mula KM 25+816 hanggang KM 25+876.80 (3rd, 4th, outer lane)

EDSA SB kanto ng Eugenio Lopez at Sct. Borromeo

Katipunan Ave. SBmula Raja Matanda to Boni Serrano Tunnel (truck lane) at

EDSA SB sa pagitan ng West Avenue at Philam Village

Quirino Highway EB sa Colegio de Sta. Teresa at malapit sa New Heaven Subd., at

Elliptical Rd EB bago sumapit sa Commonwealth Ave. (7th lane from outer sidewalk)

General Luis WB bago sumapit sa Oriental Tin

EDSA NB bago sumapit sa New York St. (1st lane from sidewalk) at

C-5 Road C.P Garcia papalapit ng Kalayaan Ave. Ext.

Sa Lunes, alas-5 ng umaga ay madadaanan na muli ang mga nabanggit na kalsada.

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan na ang pagdaan sa mga naturang kalsada at maaring humanap na lang ng ibang madadanaan patungo sa kanilang patutunguhan.

Read more...