Anim na bayan sa Bataan nalubog sa baha

Binaha ang anim na bayan sa lalawigan ng Bataan bunsod ng naranasang patuloy na malakas na buhos ng ulan.

Naranasan ang pagbaha sa mga barangay Almacen, Daungan at San Pedro sa Hermosa.

Binaha din ang mga bayan ng Dinalupihan, Orani, Abucay, Orion at Morong.

Ayon sa local disaster officials sa Bataan umabot sa dalawa hanggang limang talampakan ang lalim ng tubig-baha.

Ang bahagi ng Olongapo-Gapan Road ay nalubog din sa baha at hindi nadaanan ng mga motorista dakong alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, Aug. 2.

Kabilang ang Bataan sa isinailalim sa yellow warning ng PAGASA dahil sa naranasang patuloy na pag-ulan.

Read more...