16 turistang Chinese, nasagip sa lumubog na bangka sa Boracay

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 turistang Chinese national matapos lumubog ang sinaksakyang bangka sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Western Visayas police, rumesponde ang PCG nang bumangga ang sinasakyang MBCA LMJ ng mga turista sa FB Jin Ju bandang 2:55, Huwebes ng gabi.

Dinala ang mga biktima sa Ciriaco S. Tirol Hospital makaraang magtamo ng minor injuries.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente 50 metro ang layo mula sa baybaying-dagat ng Bolabog Beach.

Samantala, dinala ang mga kapitan ng dalawang bangka sa tanggapan ng PCG para sa gagawing imbestigasyon.

Read more...