88 na sumukong rebelde binigyan ng libreng trip sa Hong Kong

Binigyan ng gobyerno ang walumpu’t walong komunistang rebelde na sumuko sa mga otoridad ng libreng Hong Kong trip.

Ayon kay Maj. Ezra Balagtey, hepe ng Eastern Mindanao Command public affairs, pinangasiwaan ang biyahe ng EMC at Presidential Management Staff.

Ang mga rebelde ay nagkaroon ng apat na araw mula July 30 hanggang August 2, 2019 para maikot ang Hong Kong.

Kabilang sa nabigyan ng benepisyaryo ang apat na lalaki at walumpu’t apat na babae.

Ani Balagtey, layon ng biyahe na maranasan ng mga dating rebelde ang modernong pamumuhay na makapagbibigay ng mas maayos at bagong perspektiba sa buhay.

Nabigyan din ng allowance ang mga dating rebelde sa Hong Kong trip.

Hindi naman binanggit ni Balagtey kung magkano ang nagastos sa buong biyahe.

Matatandaang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan ng foreign trip ang mga dating rebelde kasabay ng kanilang pagbisita sa Malakanyang noong February 2018.

Read more...