SUV inararo ang isang bangko sa Bulacan, 3 ang sugatan

Sugatan ang tatlo katao makaraang maaksidente ang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) sa Marilao, Bulacan araw ng Biyernes.

Ayon sa Police Regional Office 3, bumangga ang SUV na minamaneho ng 83 anyos na si Epifanio Guillermo sa pintuan ng isang branch ng Banco De Oro sa nasabing lugar.

Nasugatan sa aksidente ang dalawang security guard na sina Juaniver Felicis at Gerard Hermogenes at ang kliyente na si Kristine Lanoza.

Agad dinala ang mga biktima sa St. Michael Family Hospital para mabigyan ng lunas.

Read more...