Ilang flights papuntang NAIA na-divert sa Clark, Pampanga

MIAA photo
Na-divert sa Clark ang ilang flights papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Base sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang flight mula Canton, Pagadian, Cebu at Caticlan papuntang Manila, ay na-divert sa Clark Airport, Pampanga.

Ang mga apektadong flight ay ang CZ 3091, ATA 1420H, 5J 772, 5J 562, at 5J896.

Nauna nang nagdeklara ng cancelled flights ang MIAA sa NAIA terminal 3 at 4.

Tiniyak naman ng MIAA na naasistihan ang mga apektadong pasahero ng mga flight na na-divert.

Read more...