Basketball game ng NCAA ngayong araw kinansela dahil sa sama ng panahon

Sinuspinde muna ng NCAA ang tatlong seniors games na nakatakda dapat ngayong araw ng Biyernes, August 2, 2019.

Dahil sa hindi magandang panahon, kinansela ng NCAA ang matchups sa pagitan ng San Beda University at College of St. Benilde. San Sebastian College-Recoletos at University of Perpetual Help, at Arellano University at Lyceum of the Philippines University.

Ang anunsyo ay ibinahagi sa FB Page na NCAA Sports TV.

Ang naturang mga game ay naka-schedule sana mula 12:00 ng tanghali.

Ayon kay league Management Committee chairman peter Cayco, iaanunsyo na lamang ang magiging bagong petsa ng games.

Nasuspinde rin ang Juniors game na gagapin sana sa Filoil Flying V Centre sa pagitan ng Braves at Jr. Pirates.

Read more...