LOOK: Ilang flights sa NAIA kanselado na dahil sa sama ng panahon

MIAA photo

(UPDATE) Kanselado ang biyahe ng ilang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon ngayong araw ng Biyernes, Aug. 2.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), suspendido na ang mga sumusunod na biyahe:

– 5J 379/380 Manila-Cagayan de Oro-Manila ng Cebu Pacific
– 5J 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila
– 5J 327/328 Manila-Legazpi-Manila
– 5J 789/790 Manila-Butuan-Manila
– 5J 375/376 Manila-Roxas-Manila
– 5J 655/656 Manila-Tacloban-Manila
– M8 911/912 Manila-San Vicente-Manila ng SkyJet

Ang lahat ng pasaherong apektado ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

Read more...