Drug suspect patay sa buy-bust sa Lucena City

Patay ang isang hinihinalang drug suspect sa buy-bust operation na nauwi sa engkwentro sa Lucena City.

Ayon kay Lucena City police chief Lt. Colonel Reydante Ariza ang suspek ay si Rommel delos Santos, 35 anyos.

Positibong nagbenta ng shabu si Delos Santos sa isang undercover police officer sa buy-bust sa Barangay Dalahican alas 8:20 ng gabi.

Nang matunugan na pulis pala ang katransaksyon ay bumunot ng baril ang suspek pero nagawang makatakbo ng pulis na nagpanggap na buyer.

Doon na hinabol ng iba pang naka-standby na otoridad si Delos Santos at nang abutan ay doon ito nabaril at nasawi.

Nakuha sa kaniya ang kalibre 38 baril at plastic sachet ng shabu na may street value na P1,485.

Read more...