Alas 8:26 ng umaga nang itaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at ito ang naging basehan ng mga lokal na pamahalaan para magsuspinde ng klase.
Unang nag-anunsyo ng suspensyon si Manila Mayor Isko Moreno dakong alas 8:42 ng umaga na sinundan ng iba pang alkalde sa Metro Manila.
Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase all levels public and private ang mga sumusunod:
MANDALUYONG
QUEZON CITY
LAS PINAS CITY
MUNTINLUPA CITY
MALABON
TAGUIG CITY
PARANAQUE
MARIKINA CITY
SAN JUAN CITY
CALOOCAN CITY
PASIG CITY
NAVOTAS
VALENZUELA
PATEROS
PASAY CITY
Sa Makati City naman, hanggang High School lamang ang suspension public at private gayundin sa University of Makati.