Unang batch ng mga bagong riles para sa MRT-3 nasa Tracks Laydown Yard sa Paranaque City na

Dumating na sa Tracks Laydown Yard sa Paranaque City ang unang batch ng mga riles na gagamitin para sa patuloy na rehabilitasyon sa MRT-3.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang nasabing mga riles ay ipapalit sa kasalukuyang mga riles ng MRT.

Kabilang sa mga dumating na sa Tracks Laydown Yard ang 81 na bagong mga riles.

Dumating sa Port of Manila ang nasabing mga bagong riles noong July 11.

Ayon sa DOTr, kailangan ng 20 hanggang 40 araw bago maibiyahe mula Port of Manila hanggang Paranaque City ang nasabing mga riles.

Gabi lang kasi ito ginagawa para hindi makadagdag sa masikip na daloy ng traffic.

Read more...