Budget ‘underutilization’ ng CHED pinuna ni Sen. Ralph Recto

Bagsak na grado na ang ibibigay ni Senate President Ralph Recto sa Commission on Higher Education o CHED kapag sa unang kalahati ng taon ay nagpatuloy ay hindi tamang paggamit nila ng kanilang pondo.

Ayon kay Recto, mahirap intindihin na palpak sa finance and management ang CHED.

Aniya sapat na ang isang taon para nalagpasan na lahat ng CHED ang pagsubok sa pagpapatupad ng Free College Law.

Sinabi pa ni Recto na dapat ay obligahin din ng CHED ang mga tertiary schools na ipaliwanag ang kanilang paggamit ng pondo para makapagbigay linaw sila kapag deliberasyon na sa Senado ng mga pondo ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.

Unang iniulat ng Commission on Audit na kalahati lang ng P44.75 billion budget ng CHED noong 2018 ang kanilang nagamit sa kanilang mga proyekto.

Read more...