Ayon kay Nagiel Bañacia, hepe ng Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction Management Office, nagsimula ang sunog sa isang car repair shop na pag-aari ng isang Korean national sa Batangay Maribago.
Naapektuhan din ng sunog ang dalawang kalapit na bahay.
Itinaas sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog na tumagal ng 30 minuto.
Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Hindi pa kasama sa nasabing halaga ang mga napinsalang sasakyan at iba pang materyales sa car shop.
MOST READ
LATEST STORIES