‘Hello, Love, Goodbye’ nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kumita na ng P66M

Patuloy na tinatangkilik ng publiko ang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na ‘Hello, Love, Goodbye’.

Ayon sa Star Cinema, sa ikalawang araw ng showing ng pelikula ay P32 million ang kinita nito.

Dahil dito, umabot na sa P66 million ang kita ng pelikula.

Nagpasalamat naman si Kathryn sa mga tumangkilik sa kanilang unang pagtatambal ni Alden sa big screen.

Sa kaniyang Instagram, pinasalamatan ni Kathryn ang mga “kapamilya” at “kapuso” sa aniya ay mainit na pagtanggap.

Read more...