#WalangPasok: Pasok sa mga korte sa Metro Manila suspendido na

Sinuspinde na ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa buong Metro Manila.

Ito ay dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan simula pa madaling araw ng Biyernes (Aug. 2).

Ayon sa anunsyo ng Supreme Court Public Information Office sakop ng suspensyon ang lahat ng korte sa NCR.

Binigyan naman ng laya ng SC ang mga executive judge sa iba pang lugar na apektado ng malakas ng buhos ng ulan na mag-anunsyo ng suspensyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Read more...