Metro Manila, maraming lalawigan sa Luzon nakararanas ng heavy hanggang intense na pag-ulan – PAGASA

Nagpapatuloy ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 7:07 ng umaga, malakas na buhos ng ulan pa rin ang nararanasan sa General Nakar at Infanta sa Quezon, Pampanga, Bulacan, Cavite, at Tarlac.

Heavy hanggang intense na pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Rizal, Zambales, at Bataan.

Ayon sa PAGASA ang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha.

Read more...