Water level ng Angat dam patuloy na nadaragdagan

Umabot na sa 166-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw, Aug. 2 sinabi ng PAGASA Hydrology na nasa 166.02 meters na ang water level ng Angat.

Samantala, tumaas din ang water level ng Ipo dam, na ngayon ay nasa 100.98 meters.

Gayundin ang La Mesa dam na ngayon ay nasa 74.48 meters na ang water level.

Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nadagdagan ang water level sa nakalipas na 24 na oras.

At tanging ang Magat at Caliraya dams lang ang nabawasan.

Read more...