Sa ikatlong pagkakataon sa nakalipas na dalawang linggo, North Korea muling nagpakawala ng projectiles

Sa ikatlong pagkakataon sa nakalipas na dalawang linggo ay muling nagpakawala ng projectiles ang North Korea sa East Sea o Sea of Japan.

Kasunod ito ng paglulunsad ng dalawang short-range ballistic missiles ng Pyongyang noong July 25 at dalawang kaparehong missiles muli noong July 31.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng Seoul, isinagawa ang launching sa eastern coastal area ng Pyongyang.

Maari umanong ang pagkadismaya ng NoKor sa planong US – South Korea military exercises ang dahilan ng sunud-sunod na aktibidad.

Read more...