Pangasinan, Zambales at Bataan uulain pa rin ngayong araw dahil sa Habagat

Apektado pa rin ng Habagat ang kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon kay PAGASA Weather Spealist Gener Quitlong ang Habagat ay patuloy na pinalalakas ng bagyong Whipa na nasa southern part ng China.

Direktang apektado ng Habagat ang Pangsinan, Zambales at Bataan at makararanas ang tatlong lalawigan ng madalas na pag-ulan.

Dahil din sa epekto ng Habagat, magiging maulap ang papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, MIMAROPA, Calabarzon at Metro Manila.

Samantala, ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA ay huling namatan sa 915 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Ayon kay Quitlong hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan at posibleng lumayo sa bansa sa susunod na mga araw.

Pero habang kumikilos papalayo ay maari itong maging isang ganap na bagyo.

Apektado ng trough ng LPA ang buong Bicol Region, buong Visayas, CARAGA at Northern Mindanao.

Kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan din sa nasabing mga lugar.

Ang nalalabi namang bahagi ng Mindanao at ang Cagayan Valley Region ay makararanas lamang ng localized thunderstorms.

Read more...