Metro Manila, mga kalapit na lalawigan maagang inulan

Nakaranas ng maagang pag-ulan dulot ng thunderstorms ang Metro Manila at mga kalapit nitong mga lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 4:45 ng umaga (Aug. 2) moderate hanggang heavy na pag-ulan ang nararanasan sa Rizal at Bulacan.

Malakas na pag-ulan din ang nararanasan na may kaakibat na pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin sa Maynila, Quezon City, Mandaluyong, San Juan at Makati; at sa mga bayan ng Botolan, Palauig, Masinloc, Candelaria at Santa Cruz sa Zambales.

Pinayuhana ng mga residente sa mga apektadong lugar sa poisbleng pagbaha bunsod ng nararanasang malakas na pag-ulan.

Read more...