Pay parking sa San Juan sinuspinde

Sinuspinde ni San Juan Mayor Francis Zamora ang pay parking sa mga kalsada sa lungsod kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang mga obstruction sa mga kalsada.

Pinirmahan ni Zamora ang kautusan na magbabawal sa pay parking sa ilang lugar sa San Juan epektibo sa August 5.

Ito ay sa sumusunod:

Annapolis Street

Eisenhower Street

Club Filipino Avenue

Connecticut Street

Missouri Street

Xavier Street

Grant Street

Washington Street

Madison Street

Pinaglabanan Street (Filoil Flying V Center)

Santolan Road (Filoil Flying V Center)

Iba pang lansangan sa San Juan na ginagamit bilang pay parking ng City Government o Barangay

Ang mga sasakyang na naka-park sa naturang mga lugar ay ito-tow at bibigyan ng violation ticket ang may-ari.

 

Read more...