Gordon hindi nasaktan sa mga birada ng pangulo

Hindi nasaktan si Senator Richard Gordon sa mga patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ng senador na lahat ay may karapatang magbigay ng opinyon at hindi dapat maging balat-sibuyas sa mga ito.

Una rito, sa isang talumpati sa Pasay, araw ng Huwebes, bumuwelta ang pangulo kay Gordon matapos ang mga kritisismo nito hinggil sa pagtatalaga ng retired military officials sa mga pwesto sa gobyerno.

Tinawag ni Duterte na parang ‘penguin’ maglakad si Gordon at dapat na lamang nitong ituon ang kanyang atensyon sa pagpapaliit ng malaking tiyan.

Kwinestyon din ng presidente ang talino ni Gordon at sinabing titiyakin niyang hindi kailaman ito magiging bise presidente.

Pero ayon kay Gordon, ang kanyang mga pahayag ay ginawa ‘in good faith’ at para ito sa bansa at sa presidente na kanyang itinuturing na kaibigan.

“The statements I made yesterday were made in good faith and out of concern for our country and the President, whom I consider a friend,” ani Gordon.

Matagal na anya silang magkakilala simula pa noong sila pa ang alkalde ng Olongapo City at Davao City.

Tiniyak din ni Gordon na siya ay may malaking respeto sa militar dahil sila ang tagapagprotekta sa mga mamamayan at sa Estado.

Nais niya lang anyang masiguro na hindi naisasailalim sa militarisasyon ang gobyerno.

“I also have great respect for the military and the armed forces because they are the protector of the people and the State. However, at the same time, we want to assure the public that we are not militarizing the government,” dagdag ni Gordon.

Ayon pa sa senador, patuloy niyang susuportahan ang pagpapalakas sa militar.

Sa komento naman tungkol sa kanyang tiyan, sinabi ni Gordon na masaya siyang nag-aalala si Duterte sa kanyang kalusugan tulad ng kanyang pag-aalala rito.

“I am happy that President is concerned about my waistline, but he need not worry about that.  My wife has seen to it that I have reduced it significantly of late. But I appreciate that he is concerned about by health as I am about his.

 

Read more...