Gerald at Julia nagkasama sa practice ng All-Star Games

Sa gitna ng kontrobersya ay tuloy ang buhay para kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa pinakahuli nilang mga larawan sa social media makikita sina Gerald at Julia sa practice para sa All-Star Games 2019.

Sa nasabing palaro ay maglalaban ang mga Kapamilya stars sa larong basketball at volleyball.

Ang dalawa ay parehong team captain ng kanilang mga team.

Sa Instagram post ng @stareventsph, makikita ang aktor na nasa indoor court at may hawak ng bola at sa isang larawan ay nakangiti ito habang nasa practice.

Sa ensayo naman ng grupo ni Julia ay mapapansin na seryoso ang dalaga sa larong volleyball.

Naiulat na inamin na umano ni Gerald na nililigawan nito si Julia habang ang dalaga ay matipid sa pahayag na nais lang nitong mag move-on sa buhay.

Read more...