44 ang biktima ng ligaw na bala ayon sa PNP

stray bullet
Inquirer file photo

Umabot na sa apatnapu’t apat katao ang nabiktima ng stray bullet o ligaw na bala ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon sa talaan ng Philippine National Police (PNP), pinakahuli na nadagdag sa talaan ang 21 anyos na estudyante na si Ronald Zablan Paguinto na naglalakad lamang sa Rizal Park noong araw ng Pasko, December 25.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), umabot na sa limampu’t limang fireworks at gun related injuries ang naitatalang biktima.

Karamihan sa mga nabiktima ay naputukan ng Piccolo.

Hinikayat naman ng DOH ang lokal na pamahalaan na paigtingin ang pagbabawal ng pagbebenta ng Piccolo.

Read more...