Pakistan niyanig ng 6.3 magnitude na lindol

RAWALPINDI, PAKISTAN - OCTOBER 26: Debris of buildings and panicked Pakistani residents are seen in the streets following a massive earthquake in Rawalpindi, Pakistan, on October 26, 2015. At least 17 killed in Pakistan after 7.5 magnitude quake rocks South Asia. (Photo by Muhammad Reza/Anadolu Agency/Getty Images)
AP photo

 

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang malaking bahagi ng Pakistan, India at Afghanistan.

Sa impormasyon na inilabas ng U.S Geological Service (USGS), natukoy ang epicenter sa lalawigan ng Badakhshan Pakistan at may lalim na 203.5-kilometers.

Dahil sa lakas ng lindol ay maraming mga bahay partikular na sa lalawigan ng Tajik sa Afghanistan ang gumuho.

Sa ulat ng Pakistani government ay kanilang sinabi na marami rin ang mga nasirang gusali sa kanilang bansa.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang aktuwal na bilang ng mga napinsala ng naganap na pagyanig kanina.

Magugunitang noon lamang buwan ng Oktubre ay niyanig din ng magnitude 7.5 na lindol ang nasabing mga bansa kung saan ay mahigit sa 400 ang namatay.

Read more...