Sa talumpati sa anniversary celebration ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Pasay araw ng Huwebes, sinabi ni Duterte na magpapalabas siya ng mga baril para sa mga bumbero.
Pahayag ito ng presidente habang nagngingitngit sa galit dahil sa pagpatay ng mga rebelde sa apat na pulis sa Negros Oriental.
Binalaan ng presidente ang New People’s Army na hindi maaaring magpatuloy ang mga gawain nito.
“So itong NPA, nagwa-warning ako, this cannot go on,” ayon sa pangulo.
Dahil dito, sinabi ni Duterte sa mga bumbero na pagkatapos patayin ang tubig ay tao naman ang patayin ng mga ito.
“So sabi ko sa inyo, paisyuhan ko man kayo ng baril, kayong mga bumbero. Pagtapos ng tubig tao naman hanapin niyo. Patayin ninyo ‘yung tubig, tapos tao,” giit ng presidente.
Ayon sa pangulo, dapat tumulong ang mga bumbero sa pulisya at militar na mapanatili ang kapayapaan sa lugar na kanilang nasasakupan at mapatay ang mga kaaway ng estado.
“You are not limited to just fire. You have to go around and help the police and the military. You must help, and you must have killed the enemy, kasi ang enemy ninyo, papatayin talaga kayo.
Samantala, nangako naman si Duterte na bibili ng dekalidad na firetrucks para sa BFP.
Tiniyak ni Duterte na ang procurement ng bagong trucks ay hindi idadaan sa kung sino ang may pinakamababang bid upang matiyak ang kalidad nito.