Isinulong ng Department of Health (DOH) ang kampanya para maibalik ang tiwala ng publiko sa bakuna.
Sa Pampanga, muling inilunsad ang school-based immunization program ng DOH.
Ayon kay Health Asst. Sec. Maria Francia Laxamana, hindi masama ang bakuna dahil mabuti ito hindi lamang sa mga bata kundi sa lahat ng mga Pilipino.
Matatandaan na nagresulta sa takot ang paggamit ng Dengvaxia noong 2018 dahil sa pagkasawi ng mga batang nabakunahan.
Layon ng hakbang ng ahensya na tiyakin sa publiko na ligtas sa mga tao ang mga programa ng DOH.
Sa datos ng Pampanga Provincial Health Office, nasa 1,615 ang kaso ng tigdas sa lalawigan mula Enero hanggang June 26 ngayong taon.
Doble ang itinaas nito kumpara sa naitalang bilang noong 2018 kung saan nasa 601 ang nagkasakit.
Umabot naman na sa 35 ang nasawi sa tigdas sa lalawigan.