Alice Dixson, nawalan ng cellphone sa Caticlan

 

Nawaglit ng beteranang aktress na si Alice Dixson ang kaniyang cellphone sa comfort room ng Godofredo Ramos Airport sa Caticlan.

Ayon sa Instagram post ni Alice noong July 31, nangyari ang insidente nang saglit niyang ipinasyal ang aso niyang si Blondie.

Binalikan aniya ito sa nasabing comfort room at hinanap ang cellphone sa mga tao ngunit wala umanong nakakita.

Nanghingi siya ng tulong sa staff ng paliparan para tignan ang CCTV footage at sa kabutihang palad ay nahanap ng airport security ang telepono.

Nanghingi naman ng pasasalamat si Alice sa tulong ng mga airport security na naghanap sa cellphone.

Read more...