Ito ay sa gitna na rin ng nagaganap na patayan sa negros na kagagawan umano ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay presidential spokesman Salvador panelo, pinag-aaralan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon base sa rekomendasyon ng security cluster ng pamahalaan.
Sa ngayon, umiiral pa sa buong bansa ang national emergency na ideneklara noong September 2016 matapos ang Davao City bombing.
Hiwalay pa ito sa ipinatutupad na martial law sa buong Mindanao region.Ayon kay Panelo, hinid sapat ang tatlong daang commandos na idinagdag na pwersa ng Philippine National Police sa Negros Oriental.
Simula noong nakalipas na linggo ay sunud-sunod na ang mga kaso ng patayan sa lalawigan at kabilang sa mga napatay ay ilang mga lokal na opisyal ng pamahalaan.