Tiniyak ng palasyo ng malakanyang na hindi magiging sagabal para sa nominasyon sa pagka chief justice ang taliwas na pananaw ni Senior Associate Justice Antonio Carpio sa pananaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa usapin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang kwalipikasyon ng isang kandidato ang pinag babasehan ni Pangulong Duterte sa pagpili ng punong mahistrado.
Iginiit pa ni Panelo, ang mahalaga para sa pangulo ay kung highly qualified si Carpio at kung kaya nitong pamunuan ang Korte Suprema.
Si Carpio ay numero unong kritiko ng Pangulo pagdating sa usapin ng West Philippine Sea
Awtomatikong nominado si Carpio sa pagka chief justice dahil sa nakatakdang pagretiro ni Chief Justice Lucas Bersamin sa Oktubre.
Tradisyon kasi sa Kataas taasang Hukuman na otomatikong mano-nominate ang 5 most senior justices kapag mababakante ang CJ post.