Sindikato na bumibiktima sa mga pulitiko nabuwag ng PNP

File photo

Arestado ang ang tatlong kalalakihan na umano’y nasa likod ng tangkang pangongotong sa ilang mga opisyal ng pamahalaan.

Ang nasabing mga suspek ay inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa Malabon City.

Ang mga inaresto ay sina Dennis Jose Borbon, 24; Edgar Paulo Bularan, 30; at Menard Bassa, 20-ayos.

Modus ng mga suspek ang magpakilala bilang mga tauhan ni Camarines Sur 4th District Representative Arnulfo Fuentebella.

Kabilang sa kanilang mga hiningan ng pera ay si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Sa sa mga suspek ay nagpanggap na sidaw si Feuntebella at hiningan niya ng P25,000 si Revilla dahil Nawala daw ang kanyang wallet sa Palawan.

Kaagad namang nakipag-ugnayan sa PNP ang nasabing mga opisyal kaya’t nagawa ang isang entrapment operation.

Sinubukan rin ng mga suspek ang nasabing modus kay Sen. Bong Go pero sila ay nabigo.

 

 

 

 

Nakuha sa mga suspek ang ilang cellphone, prepaid  load cards, isang Metro Bank debit card, apat na GCash card, at ilan pang uri ng cash cards.

 

Ang mga suspek ay nahaharapo sa paglabag sa Section 4 (b) (3) ng Republic Act 10175 (Identity Theft) at Article 315 Revised Penal Code (Estafa).

Read more...