Cagayan at Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng Cagayan alas-12:39 madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 32 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Claveria.

May lalim ang pagyanig na 12 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Claveria.

Samantala, magnitude 3.0 naman ang tumama sa bahagi ng Davao Occidental alas-12:56 ng madaling araw.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim naman ang pagyanig na isang kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig at hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...