Pinangangambahan ng Commission on Elections o COMELEC ang pagbaba ng bilang ng mga magpaparehistro para sa susunod na halalan sa pag-uumpisa ng voters registration ngayong araw.
Ito ay matapos ipanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ipagpaliban ang 2020 Sangguiang Kabataan at Barangay elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, matagal ng may agam-agam na ikakansela ang halalan bago pa ito sabihin ng pangulo.
Aniya, hindi na nagulat ang ahensya sa isyung ito ngunit natatakot sila sa magiging epekto nito sa mga kabataan at pati na rin sa magiging resulta ng rehistrasyon.
Sinabi naman ni Jimenez na bagamat may ganitong isyu, patuloy ang voters education campaign ng ahensya.
Handa rin naman umano ang ahensya kung sakaling biglaan kanselahin ang naturang eleksyon.
Matatandaan na noong October 23 2017 ay nilagdaan ng pangulo ang Republic Act 10952 na nagkakansela sa SK at Barangay elections hanggang sa ikalawang lunes ng may 2018.
Nakatakda naman ang susunod na eleksyon para sa SK at Barangay sa May 2020.