Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay ng 25-year franchise sa “Solar para sa Bayan” na isang technology firm na pag aari ng anak ni dating senador at ngayon ay Antique Rep. Loren Legarda.
Ayon kay Presidential Legislative Liason Office Sec. Adelino Sitoy, natanggap na niya ang kopya ng prangkisa ngayong araw.Ang anak ni Legarda na si Leandro Leviste ang may-ari ng Solar para sa Bayan firm.
Sa ilalim ng bagong batas, susuplayan ng elektrisidad ang mga malalayong lugar sa iba’t bang bahagi ng bansa.
Ang solar energy ay mas mura kumpara sa kuryente na produkto ng petrolyo.
MOST READ
LATEST STORIES