PCSO hindi nawalan ng kita sa pagsasara ng operasyon ayon sa Malacanang

Sinupalpal ng Malacanang ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nawalan ng P250 Million ang kanilang hanay dahil sa apat na araw na pagsasara ng operasyon ng lotto.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, hindi nawala ang pondo kundi naantala lamang ang pagpasok ng pera sa kaban ng bayan.

“Unang-una, kaya pinasarado ni Presidente iyong lahat ng gaming operations because of the complaints he has received – kailangan gawan niya kaagad ng paraan. Number two, iyong 240 million, hindi naman nawala iyon eh”, dagdag pa ng kalihim.

Paliwanag ni Panelo, maari pa rin naman kasing kitain ng pcso ang naturang halaga dahil balik na sa operasyon ang lotto.

Kasabay nito, pinayuhan ng palasyo ang mga pasyante na humihingi ng medical assistance na bumalik na pagdulog sa PCSO.

Read more...