Visa before entry policy sa mga Chinese pinag-aaralan ng Malacanang

Inquirer file photo

Kinatigan ng Malacanang ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na secutiry threat na ang pagdagsa ng mga Chinese tourist sa bansa.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, malaking kwestyun ngayon sa Bureau of Immigration kung paano nakapapasok ang ganung karami ng mga Chinese tourists.

Nakababahala ayon kay Panelo dahil bukod sa pagiging turista maaring pang-eespiya rin ang ginagawa ng mga turistang Chinese.

“He is worried kasi nga masyadong maraming … may influx na magtataka ka bakit parang … bakit nakakapasok sila. So hindi lamang iyong worry ng number, ang worry mo pa ay kung paano sila nakakapasok. Binabantayan ba natin ito o hindi,” ayon pa sa kalihim.

Ayon kay Panelo, sang ayon ang palasyo sa mungkahi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na kumuha muna ng Philippine visa ang mga Chinese tourists bago bumiyahe sa Pilipinas.

Pero ayon kay Panelo, hindi lamang ang mga Chinese ang dapat na suriin ng pilipinas kundi maging ang iba pang mga dayuhan na pumapasok sa bansa.

Read more...