Voters’ registration apektado ng panukalang pagpapaliban sa Brgy. at SK elections

Inquirer file photo

Aminado ang Comelec na may epekto sa kanilang paghahanda sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections ang panukala na ipagpaliban ito.

Sinabi ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsaita ng Comelec, ang unang tinatamaan ay bilang ng mga nagpaparehistro para maging botante.

Paliwanag nito, dahil nagdududa kung matutuloy ang eleksyon, hindi na lang muna nagpaparehistro ang mga bagong botante.

Sinabi pa ni Jimenez na bagaman hindi sila humihinto sa paghahanda, nagpapatupad sila ng ‘slow down’ para matuloy man o hindi ang eleksyon ay hindi lubos na maapektuhan.

Ito aniya ang isang dahilan kaya’t ang voters registration na nagsimula ngayon araw ay tatagal lang hanggang sa darating na Setyembre 30.

Sa Kongreso ay may panukala nang inihain para ipagpaliban ang Barangay at SK elections sa 2022 at maging si Pangulong Duterte ay ayaw na matuloy ang eleksyon  na nakatakda na sa susunod na taon.

Kasabay nito, nakiusap si Jimenez sa mga may kaanak ng namayapang botante na makipag ugnayan sa kanila.

Ito ay para matanggal na sa listahan ng mga rehistradong botante ang mga patay na at hindi na sila magamit sa modus ng ilang kandidato.

Read more...