Ilang local holidays idineklara ni Pangulong Duterte

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working day ang August 4, 2019 sa Cabuyao, Laguna.

Ito ay para sa ikapitong anibersaryo ng siyudad ng Cabuyao.

Special non-working day naman sa August 3, 2019 sa Tacurong, Sultan Kudarat.

Ito ay para sa ika 68th founding anniversary ng siyudad.

Wala ring pasok o special non-working day sa Davao City sa August 16,2019.

Ito ay para bigyang-daan ang weeklong celebration ng Kadayawan festival.

Binibigyan ng pagkakataon ang mga taga-Davao na ma-enjoy ang indigenous people’s day na bahagi ng Kadayawan festival.

Lahat ng local holiday ay nilagdaan ni Executive secretary Salvador Medialdea sa ngalan ni Pangulong Duterte noong July 29, 2019.

Read more...