Pinsala sa imprastraktura ng lindol sa Batanes umabot na sa P292M

Umabot na sa P292 million ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng lindol na tumama sa Itbayat, Batanes noong Sabado.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang lugar na nakapagtala ng may pinakamalaking pinsala sa mga istraktura ay ang Barangay San Rafael kung saan umabot sa P103.36 million ang halaga ng pinsala.

Sa isinagawang damage assessment ng DPWH mula July 29 hanggang 30, 2019, ang P292 million na pinsala ay mula sa 978 na nasirang mga bahay. public building,

roads, at slope protection structures sa Barangays Sta. Lucia, San Rafael, Sta. Rosa, Sta. Maria, at Raele.

Magpapatuloy pa ang damage assessment ng DPWH at inaasahang lalaki pa ang halaga ng naging pinsala ng lindo.

Read more...