Jordanian na nagtrabaho umano sa kaanak ni Osama Bin Laden naaresto sa Mindanao

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Jordanian national na umano ay nagtrabaho para sa isang kaanak ni Osama Bin Laden.

Nadakip ang suspek na si Mahmoud Afif Abdeljalil, 51 anyos sa Zamboanga City dahil sa ilegal na pananatili sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente nakatakda nilang ipatapon palabas ng bansa ang dayuhan.

Sinimulang imonitor ang galaw ni Abdeljalil nang maharang siya at isang Algerian sa military checkpoint sa Zamboanga noong August 2018.

Maliban dito, natuklasan ding naaresto na noon ang dayuhan at naipadeport taong 2004 dahil sa pagtataglay ng expired na visa.

Si Abdeljalil aynagsilbi umanong point man ni Mohammed Jamal Khalifa, isang Saudi businessman na bayaw ni Bin Laden.

Read more...