Ayon kay Police Sgt. Noel Borden, imbestigador ng Pasay Police, lumapit sa kanila ang 2 lalaki para isumbong at ipahuli ang mga traffic enforcer dahil hinihingan umano sila ng P200,000 matapos mahuling kolorum ang dala nilang van kahit hindi naman talaga kolorum ang sasakyan.
Bumalik ang mga biktima sa Macapagal Boulevard para magkapalitan ng pera at ng mga nakumpiskang lisensya, nakatunog umano ang mga enforcer na may mga kasamang pulis ang mga ito kaya’t tumakbo agad ang mga suspek kaya hinuli sila ng pulisya kahit hindi natuloy ang transaksyon.
Ayon pa kay Borden, dati na ring naharap sa reklamong extortion ang mga naturang enforcer pero hindi umusad ang kaso dahil umatras ang mga complainant kung saan ang ilan sa mga kinikikilan nila noon ay mga van na may dalang Chinese at inakusahan ding kolorum.