Malakanyang bukas sa gagawing imbestigasyon ng senado sa anomalya sa PCSO

Hindi pipigilan ng Malakanyang ang senado na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pahayag ito ng Malakanyang sa gitna na rin ng ikinakasang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaring gawin ng senado ang mga nais na hakbang para matukoy at maparusahan ang mga taong nangurakot sa pondo.

Tungkulin aniya ng senado na gawin kung ano ang higit na nakabubuti para sa bayan.

Ipinaubaya na rin ng palasyo sa Kamara ang planong pag-amyenda sa charter ng PCSO.

Read more...