Water level ng Angat dam sumampa na sa 165-meter level

Nasa 165-meter level na ang water level ng Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, nasa 165.45 meters ang water level ng Angat dam alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Aug. 1.

Nadagdagan din ng bahagya ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 74.38 meters, habang nabawasan ng kaunti ang Ipo dam na ang water level ngayon ay 100.82 meters.

Ang Ambuklao, Magat at Caliraya ay pawang nabawasan ang water level.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga, San Roque, at Pantabangan.

Read more...