Daan-daan katao nagtipun-tipon para ipahayag ang suporta kay Abp. Villegas

Nasa 1,000 katao ang nagtipun-tipon sa Cathedral of Saint John the Evangelist sa Dagupan, Pangasinan kahapon, July 31, para ipahayag ang suporta kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas.

Isang misa ang idinaos na dinaluhan ng mga church workers, mga mag-aaral at parishioners at sinundan ng prusisyon bandang alas-5:00 ng hapon.

Dala-dala ng mga parishioners ang mga placards na may mensahe ng pagsuporta kay Villegas.

Ipinanawagan ng mga ito ang pagbasura sa sedition charges na isinampa laban sa arsobispo at iba pang Catholic bishops.

Ang kasong sedition ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG) laban kay Vice President Leni Robredo at iba pang personalidad dahil sa umano’y kaugnayan sa ‘Ang Totoong Narcolist’ videos.

Samantala, lahat ng kampana ng mga simbahan sa Archdiocese of Dagupan ay patutunugin tuwing gabi hanggang sa September 28.

Magsisilbing boses ng mga mananampalataya ang kampana laban sa extrajudicial killings, pag-atake sa mga inosente, at bilang panawagan na rin na pairalin ang katotohanan, hustisya, kapayapaan at dignidad ng buhay.

Read more...