Magnitude 4.0 na aftershock yumanig sa Itbayat, Batanes

Patuloy na nakararanas ng may kalakasang aftershocks ang Itbayat, Batanes matapos ang magkasunod na magnitude 5.4 at 5.9 na lindol noong Sabado.

Ngayong umaga, naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.0 na lindol sa 14 kilometers Southeast ng Itbayat.

Naitala ito alas 3:20 ng madaling araw ngayong Huwebes, August 1.

May lalim na 17 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity IV sa Itbayat bunsod ng naturang lindol.

Read more...