Matt Evans balik ABS-CBN matapos ang dalawang taon

From Matt Evans’ IG account

Nagbabalik sa ABS-CBN ang dating Pinoy Big Brother housemate at aktor na si Matt Evans matapos lumipat sa GMA-7 noong 2017.

Tampok si Matt kasama sina Empress Shuck at Mon Confiado sa episode ng legal drama anthology na Ipaglaban Mo sa Sabado, August 3.

Sa post sa Instagram ng RGE Drama Unit, producer ng Ipaglaban Mo, makikita sina Matt at Empress sa mga larawan ng behind-the-scenes ng naturang episode.

Bago pa ito, una nang inanunsyo ng aktor ang kanyang pagbabalik sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 11 taon noong July 4.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Matt ang larawan kasama ang kanyang handlers at road managers sa opisina ng Star Magic.

Samantala, nakatakdang maging bahagi ng drama series na ‘A Soldier’s Heart’ si Matt kasama sina Elmo Magalona, Gerald Anderson, Yves Flores, Jerome Ponce, Carlo Aquino at iba pa.

Read more...