Ito ay matapos talunin ng koponan araw ng Miyerkules ang San Miguel Beermen sa iskor na 112-104.
Walang nagawa ang 51 points ni Chris McCullough ng Beermen laban sa motibasyon ng Rain or Shine na maitigil ang sweep.
Sa iskor na 104-102 pabor sa San Miguel, nabuhayan ang Elasto Painters matapos makapasok ng triple si Gabe Norwood sa natitirang 1 minute at 14 seconds ng fourth quarter at dito na nagsimulang umarangkada ang koponan.
Sa natitirang 34 seconds, naharang ni Norwood si McCullough dahilan para makapagbigay ng 3-pointer si Beau Belga at tuluyang manalo ang koponan.
Nanguna para sa Rain or Shine si Carl Monthomery sa kanyang 25 points at 15 rebounds, Rey Nambatac sa kanyang 22 points habang nakapagtala si Belga ng 16 points.
Ayon kay Rain or Shine Coach Caloy Garcia, talagang hindi lamang nila gustong matalo kahapon.
Sinabi ni Belga na natuto na ang kanilang koponan sa unang dalawang laro kung saan sila natalo.
Ang Game 4 ng Best of 5 semis ay magaganap sa Biyernes sa Araneta Coliseum.