Babaeng tulak ng droga arestado sa Talisay City, Cebu; P340,000 halaga ng shabu, nakumpiska

Arestado ang isang babaeng tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Talisay City, Cebu Miyerkules ng hapon.

Nakilala ni Lt. Col. Marlu Conag mula sa Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang suspek na si April Villaries, 34-anyos na mayroong pitong anak.

Nakuha kay Villaries ang P50,000 buy-bust money na ginamit sa pagbili ng 25 gramo ng ilegal na droga sa kaniya sa bahagi ng Barangay Lawaan 3 pasado 5:00 ng hapon.

Ayon sa pulisya, nagkakahalaga ang nakumpiskang ilegal na droga ng P340,000.

Sinabi ni Conag na ang pagkakahuli sa suspek ay bunga ng kanilang follow-up operation matapos ituro ng isang drug personality na si Villarias ang supplier nito ng ilegal na droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...