Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Northern Samar, Miyerkules ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 30 kilometers Northeast ng Biri bandang 9:31 ng gabi.
May lalim ang lindol na 5 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
READ NEXT
Pabuya para sa mga suspek na pumatay sa apat na pulis sa Negros, itinaas ni Pangulong Duterte sa P5M
MOST READ
LATEST STORIES