Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dead or alive ang nais ng pangulo para sa mga salarin.
May P100,000 rin ang pangulo para sa sinumang makapagtururo sa iba pang personalidad na may partisipasyon sa pagpatay sa apat na pulis.
Una nang naiulat na ang New People’s Army (NPA) umano ang nasa likod sa pananambang sa apat na pulis.
Nagbabala pa ang pangulo na gagamitin niya ang emergency powers na isinasaad sa Konstitusyon para malabanan ang lawless violence at iba pangbanta sa seguridad sa isla ng Negros.
Pursigido aniya ang pangulo na protektahan ang taong bayan.
Ayon kay Panelo, dismayado na ang pangulo dahil masyado nang naging mapangahas ang rebeldeng grupo.
Ayon kay Panelo, sinamantala at sinakyan na ng rebeldeng grupo ang agawan ng mga magsasaka ng lupa sa Negros.
Matatandaang sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo noong July 22, sinabi nito na nag-aalok siya ng P1.3 milyong reward o pabuya para sa mga makapagtuturo sa mga suspek.